Dumi sa Kapaligiran
Napakaraming mga suliranin ang nangyayari sa ating baranggay, ngunit merong isa sa na malabo nang mawala sa ating baranggay. Ang "Dumi sa Kapaligiran".
Ang Pangkat namin ay lumikha ng isang tula tungkol sa ating kapaligiran. Kung ano na ang itsura nito, kung ano na ang kalagayan nito, at kung ano na ang mga nangyayari dito. Sana kayo ay malinawagan at makita natin ang ating pagkakamali.
Ang ating Kapaligiran
Maraming tao ang nagtatapon ng basura kung saan-saan
Hindi na nila iniisip na may basurahan
Kalat dito, kalat doon
Hindi na nila iniintindi kung ito ba'y dapat naroon
Maraming basurahan sa ating baranggay
Ngunit lagi naman tayong sumasablay
Nakakalimutan na natin ang mga tamang gawain
Hindi na natin alam kung ano ang gagawin
Hindi lang naman tao ang dahilan
Meron ring iba pang dahilan
Mga kalamidad na dumadaan sa atin
Pati narin ang mga teknolohiya natin
May mga pabrika na malakas ang usok
Kung saan-saan sumusuksok
Naglalabas ng mga maduming tubig
Wala ng paki, wala ng pag-ibig
Kaya ito ang aming napiling problema
Dahil malaki ang epekto nito sa ating bansa
Dapat tayo ay tumulongsa paglinis
Upang ang pag-unlad ay mapabilis
Narito ang aming larawan na nagpapakita ng aming pagtulong sa aming baranggay bilang isang mag-aaral. Ito ay isang maliit na bagay lamang, ngunit ito ay nakakatulong rin hindi lamang sa ating baranggay, pamayanan, bansa at estado, pati narin sa ating inang kalikasan.
Sana'y nagustuhan ninyo ang aming ginawang pagtulong sa aming baranggay, at nawa'y ganun rn ang gawin niyo upang maging malinis at kaaya-ayang tirhan ang inyong baranggay. Maraming salamat sa inyong oras.
Pagpalain kayo ng Diyos!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento